May mga pagkakataon sa ating buhay na hindi natin inaasahan ngunit ito ay ating nararanasan. Kung minsan tanggap natin kaagad pero kadalasan ang hirap unawain. Kung dumating man itong pagkakataong ito, maraming decision ka na dapat pag-isipan dahil ang bukas ay resulta kung ano ang pinili mo kahapon. At sa entry na ito, gusto ko mag share ng isang kwento na sana ay inyong magustuhan. Ang mga karakter ay sadyang likha ng aking imahinasyon at hindi sinasadya kung may pagkakatulad sa mga tunay na tao. Patnubay ng magulang ay hindi kailangan! (Hallerrr, baka mas matanda pa kayo sa akin!)
Ang Simula
Isa sa mga sikat na micro-blogging site ang Sheweener at sa site na ito, may mga eksenang hahantong sa di iniaasahang panahon. Laman ng site na ito si Edward, isang lalaki na nag tratrabaho sa isang opisina sa Ortigas, at wala ng ginawa kundi makipag-usap sa mga dayuhang kliyente niya. Dahil si Edward ay sukang suka na sa kanyang pinag-gagagawa sa opisina naisipan niyang mag sign in sa site. At sa pagkakataong ito, nakakilala siya ng mga bagong kaibigan na nagbigay sa kanya ng pansin. Si Alphonse ay isang lalaking mahilig gumamit ng kamera, mag edit ng pictures at ng mga videos. Gumagamit siya ng iba't ibang mga applications para lang magawa niya ang hilig niya. Si Hughes, isang balikbayan na naninirahan sa Europa, na nagbalik Pilipinas upang magbakasyon. Makulit siya sa site, pero appreciated siya kasi hindi siya nakakaasiwa tulad ng iba. Si Winry, ang special frienship ni Edward, tahimik at maganda, may pagkamataray pero nasa lugar. Si Rosalka, ang isa sa mga kinaiinisan ni Edward sa pagiging masyadong eksena sa lahat ng bagay. Si Rubi, ang sikat na prinsesa ng mga tangera na mahilig mag-aya mag-inom pero sa doctor ang diretso. Si Hector, ang kainuman palagi ni Rubi, hindi man siya dumideretso sa doctor pero siya ang sandigan ni Rubi. (Inuulit ko, ang mag react guilty at pikon, ngunit kung ikaw ay nag-enjoy sabihin mo lang sa akin!).
Rubi: "Kamusta na mga sheewps (Tawag sa mga taong gumagamit ng Sheweener!)"
Hughes: "Magandang umaga Rubi, kamusta naman ikaw at nasaan si Hector?"
Rubi: "Magandang umaga din! Here kinda masama ang pakiramdam. I suka to the highest level with bloody on the side, because I was drunk last night. Hector is fine, I'll ask him to accompany me sa doctor because of my condition."
Hector: "Good morning tol! Kamusta na ang Rubi ko? I love you! (Ayun oh, naks!)
Rubi: "Samahan mo ako to the doctor ah, really sama ng pakiramdam ko. Haiz!"
Hughes: "Dre, gandang umaga. Ingat kayo ni Rubi mamaya ah! Sheewp kayo mamaya ah!"
Hector: "Ligo lang ako, punta na ako diyan. Oi dre, out muna ako need ako!"
Intermission number: Isipin mo na may electric fan na nakabukas tapos biglang tumigil. (Wala akong maisip kaya ito na lang!)
Edward: "Asan na ba yung crush crushan ko dito?"
Hughes: "Crush crushan? Sino naman ito?"
Winry: "Good morning special friendship ko! Ang aga aga Hughes, yan na agad ang tanong mo? Sino nga ba friendship? (tsismosa rin pala!)
Edward: "Ah eh, wala pa ata siya dito. Baka tulog pa.
Rosalka: "I am really so bad, dapat hindi ko ginawa yun!"
Hughes, Winry at Edward: "Huh?!?"
Alphonse: "Rosalka, ayos ka lang ba? Anong problema?"
Rosalka: (Halos parang naka marijuanang sumagot!) Oh your hear, no problem. I just felt I was left behind.
Hughes: "Behind? Bakit may nang iwan ba sa iyo?"
Winry: "Oo nga meron nga ba? Naku umayos ka ah, kundi mauupakan kita!"
Edward: (Walang reaction, gusto ko lang isama yung name niya sa thread)
Alphonse: (Agua mode) Sabihin mo sa akin baka makatulong ako.
Hughes: "Oo nga, lahat kami dito mga ka sheewps (Inuulit ko ito ang tawag sa mga taong nag sheweener, yung pag pronounce hindi ko rin alam!).
Rosalka: "Wag niyo akong pansinin, dapat lang talaga hindi ko ginawa yun kasi nakakahiya."
Winry: "Eh nakakahiya pala bakit ginawa mo pa? Ang eksena mo naman talaga teh!"
Edward: "Good morning Rosalka! Anong nakakahiyang eksena naman ang ginawa mo?"
Hughes, Winry, at Alphonse: "Concern ka kay Rosalka?"
Edward: "Huh? Bakit naman hindi?" "Ah eh ano nga pala yun Rosalka?"
Rosalka: "Ah wala, wala." "Alphonse, may DM ako sa iyo, may gusto lang akong malaman talaga."
Nagpatuloy ang pag-uusap ng mga magkakaibagan. Wala silang pakialam sa DM nila Rosalka at Edward.
Ang DM.
Rosalka: "You know what I am really wanted to talk to you."
Alphonse: "Any problems?"
Rosalka: "I need to say something."
Alphonse: "What?"
Rosalka: "I am enjoying talking to you in the site. Everytime you are there, it's like heaven."
Alphonse: "Am really confused, what do you mean?"
Rosalka: "Um, kasi ewan ko, basta. Sorry, mag unfollow na lang ako siguro para walang problema."
Alphonse: "Are you saying you like me?"
Rosalka: "Yep, I like you pero meron ka bang ibang nagugustuhan?"
Alphonse: "Sa totoo lang meron, pero hindi pa niya alam kasi nahihiya din ako."
Rosalka: "Ah ganun ba, pwede ko bang malaman kung sino?"
Alphonse: "Si... Si... Si Edward."
Rosalka: "Oh okay, I am happy for the both you!"
Alphonse: "Balik na tayo sa main street"
Ang Pagbabalik
Edward: "Hey Winry, wala kang picture. Anong nangyari?"
Winry: "Meron akong picture, bakit hindi mo makait?"
Alphonse: "Hello sa inyong lahat, kamusta Edward?"
Edward: "I am doing great Alphonse, ang tagal mong nawala ah."
Alphonse: "Ah kasi kausap ko lang si Rosalka kanina."
Rosalka: "Hi to all. Kamusta kayong lahat ulit. Bumalik na ako dito!"
Hughes: "Oi nagusap sila? Anong meron sa inyong dalawa?"
Winry: "Hi Rosalka, oh ano naman daw pinag-usapan niyo ni Edward?'
Edward: (Kuliglig factor ulit)
Rosalka: "Ah eh, wala wala. I am really jealous."
Hughes: "MMMMEEEE GGGAAANNNUUUNNN? At kanino ka naman nag seselos?"
Rubi and Hector: "Kamusta kayo, anong meron ngayon dito?
Winry: "Ah wala naman, nagseselos daw ang Rosalka. Sino kaya yun!"
Rubi: "Ah talaga, well dapat nating pagusapan ito."
Hughes: 'Tama, tama! Eh sino nga ba? May alam ka din ba Edward."
Edward: "Naku Hughes, wala eh. Pero basta alam ko may gusto rin ako."
Rosalka: "Wag niyo ng alamin, kasi may gusto naman siyang iba."
Hughes, Winry, Rubi and Hector: "OMG, grabe naman yan!"
Alphonse: (sa hindi malamang pagkakataon bigla nag press release) "Alphonse likes Edward"
Hughes: "Nakita kaya niya ito?"
Winry: "Am really happy for you sweety friendship!"
Rubi: "Serious na ba ito?"
Hector: (Siya naman ang may crickets)
Rosalka: "Again, I am left behind!"
Edward: "Kailangan nating mag-usap Alphonse!"
Sa sobrang haba ng blog entry na ito. Sa susunod na ang kasunod, antayin niyo ang mga aral ni KEVINITO! hehehe..
wahahaha!! nice entry kevin!! mwah mwah mwah!!
ReplyDelete